Muntinlupa BPLO Chief Gary Llamas on Deliver to Recover Program


MUNTINLUPEÑO para sa inyong kaalaman ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa kasama ang Economic Development Cluster na binubuo ng iba't ibang departamento ng ating lungsod katuwang ang GRAB Philippines ay pormal ng inilunsad ang programang "Deliver to Recover Program" na nagbibigay ng trabaho sa ating mga displaced workers at tricycle drivers ng ating lungsod.
Ang nasabing turn-over ceremony ay pinangunahan ng ating City Mayor Atty. Jaime Fresnedi, Congressman Ruffy Biazon, Mr. Jackson Tan at Ms. Jeanine Tadique para naman sa GRAB Philippines at iba't ibang pinuno ng tanggapan ng ating lungsod na kinabibilangan ng Economic Development Cluster at pinangungunahan ni Mr. Gary Llamas ng LEIPO at ng PESO Muntinlupa na pinamumunuan ni Ms. Glenda Zamora-Aniñon. Ang bawat isang benepisyaryo ay tumanggap ng package na nagkakahalaga ng P7,500.00 (Grab Box, uniporme, e-wallet, at inisyal na kapital).
Kaya mga Muntinlupeño sa mga nais magapply maaari lamang po na magregister sa link na ito https://bit.ly/3d9y4Do para makapag register.


Paalala:
1. Lagyan lamang ng GRAB BIKER o GRAB RIDER ang remarks sa dulo ng registration.
2. Maghintay lamang ng aming text o tawag patungkol sa inyong schedule ng pagpunta samin.
Maraming Salamat po.

Gallery 16
Gallery 17
Gallery 18