MUNTI-GRAB PARTNERSHIP: Inilunsad ng lokal na pamahalaan ang 'Deliver to Recover Program' katulong ang Grab Philippines na nagbibigay trabaho sa mga tricycle drivers at mga displaced workers sa lungsod.
Ginanap ang turn-over ceremony ng grant package mula kina Mayor Jaime R. Fresnedi, Congressman Ruffy Biazon, at mga opisyal ng GRAB Philippines na sina Jackson Tan at Jeanine Tadique para sa Batch 1 (anim na displaced workers ng lungsod na binubuo ng OFW, Tricycle Driver at nawalan ng trabaho dahil sa pandemic). Pinagkalooban ang bawat isa ng package na nagkakahalaga ng P7,500.00 (Grab Box, uniporme, P2,500 e-wallet, at P2,500 na inisyal na kapital).
Suportado ng Economic Development Cluster ang initiatibong ito at patuloy na nagtutulungan upang makabuo ng mga programa para sa pagbangon ng negosyo sa pandemyang dulot ng COVID-19.
Ang cluster ay pinangungunahan ni LEIPO Gary Llamas.
Para sa mga nais mag-apply bilang GRAB drivers, bisitahin ang official PESO Muntinlupa Facebook Page para sa mga detalye. Maaari pa rin po na mag-apply para sa programang ito.
Taos-pusong pasasalamat ng Batch 1 kina Mayor Fresnedi at Congressman Biazon. Mabuhay Muntinlupa at GRAB Philippines!